Friday, July 26, 2013

Ano ang pakiramdam ng isang Bisexual?

Ano ang pakiramdam ng isang Bisexual?

Sa modernong mundo natin ngayon, hindi lang dalawa ang uri ng kasarian ng tao, siguro dahil noong unang panahon na konserbatibo pa ang lipunan, hindi lang nailalabas ng mga tao yung tunay na saloobing nila sa kanilang sexualidad. Pangatlong kasarian tawag sa mga damdamin at sexualidad ng mga tao na attracted emotionally at sexually sa mga tao ng kaparehong kasarian. May apat na division ang third sex; ito ay ang LGBT. Lesbians: ang mga babaeng attracted sa kapwa nila babae, Gays: mga lalaki na attracted sa kapwa nila lalaki; Bisexual: babae at lalaki na pwede magkagusto sa parehong kasarian at mga Transgenders, yung mga nagpa sex change at nagdadamit at kumikilos na tulad ng sa opposite na kasarian.

Sa buhay ko hindi ko maintindihan simula noong bata pa ako kung bakit mas mahilig ako pumuri ng magaganda kaysa mga gwapo. Minsan noong grade 5 ako, mayroon akong kaklaseng babae at masayang Masaya ako kapag nakikita ko siya at hangang hanga ako sa kanya kasi magaling siya sa maraming bagay. Kahit alam ko na ang unang attraction ko ay sa lalaki, may damdamin na hindi ako maipaliwanag sa kanya. Sa totoo lang, nagkaroon na rin ako ng matiniding damdamin sa isang lesbian noong early puberty ko at nakakapag imagine din ako ng mga fantasies with same sex. Maraming taon ang lumipas pero naisip ko, nasolve ko na yung identity crisis ko noon dahil puro lalaki na ang apple of the eye ko. Still, naaatract parin ako sa same sex pero hindi naman todo katulad ng dati, baka nga confused lang ako noon.

Makalipas ang maraming taon, hindi ko expected na mararanasan ko ulit na maatract at ma-fall sa isang tao na kabilang sa same sex. Alam ko na gusto ko siya dahil, Masaya ako kapag nakikita siya, ang ganda ganda niya lalo na at nakangiti siya, masarap ang pakiramdam kapag kausap siya, siya ang naiisip ko pagka gising at bago matulog at siya ang dahilan kaya excited ako pumasok. Minsan nahihiya ako sa sarili ko kung bakit ngayon nararamdaman ko ulit ang bagay na ito, pinipilit kong pigilan kaso nagsisimula narin akong maging awkward kapag nandyan sya at hindi na rin ako mapalagay. Mahirap mahulog ng biglaan dahil hindi mo alam kung paano mo ito tatanggalin kaagad. Hindi ito tama dahil wala din naming patutunguhan at baka masira lang yung pagkakaibigan niyo. Sa huli, narealize ko na ganito siguro talaga, wala naman akong dapat ikahiya kaya lang dapat mag move on kaagad. Gusto ko kasi na maging kaibigan ko siya at mas maging strong pa yung pagkakaibigan namin. Minsan din iniisip ko na sana hindi ko nalang nasabi sa kanya pero mabuti narin yun kasi yun lang din yung magagawa ng damdamin ko, na iparamdam sa kanya na hinahangaan ko siya at wala ng iba pa. Mahirap man tanggapin noon, ngayon wala akong takot na sasabihin sa mundo na Bisexual ako at hindi ko sinadya na maging ganito ako. Alam ko ang lugar ko sa mundo at kung papapiliin pa rin ako ng magiging partner ko sa buhay, siguro sa lalaki ko parin gusto. Ang masasabi ko lang, tanggapin natin kung ano tayo dahil yun ang magpapalaya sa atin.

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo? (What can you say?)